life rocks!

rocker society and ipilenos discussion board
 
HomePortalGalleryFAQSearchRegisterMemberlistUsergroupsLog in

Share | 
 

 bad news!!!!!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
noid
Admin
Admin


Number of posts : 91
Age : 36
Location : QC
Registration date : 2007-10-25

PostSubject: bad news!!!!!   Sat 01 Dec 2007, 11:20

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....


"Hello, Sir Gawad? Si elong po ito, 'yung katiwala niyo sa Bahay-bakasyunan niyo."

"O, elong, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?

"Opo, Sir Gawad, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Bernie?"

"E, 'yun pung mga imported thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg? "

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat
ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, ahh! Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Anoooo..? Kaninong burol?

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito kagabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.
Binaril ko!"

affraid affraid
Back to top Go down
View user profile http://rocknoid.niceboard.net
Emo_kid
the watcher
the watcher


Number of posts : 15
Age : 23
Location : zamboanga city
Registration date : 2007-12-01

PostSubject: Re: bad news!!!!!   Fri 07 Dec 2007, 01:27

ka malas naman!! wahahhaha buhay nga naman!!
tawa talaga ako d2 lol! lol!

niceeeeeeeee
Back to top Go down
View user profile
 
bad news!!!!!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Disciple news.
» Sad F.O.G. News
» Impellitteri news.
» Pillar news.
» NEWS FLASH! ! !

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
life rocks! :: GENERAL :: LIFE ROCKS Halo-Halo :: news-
Jump to: